Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng isang Aklat na narito ang pagbanggit sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? Al-Anbiyā’ 21:10 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng Qur'ān na narito ang dangal ninyo at ang ikararangal ninyo kung nagpatotoo kayo rito at gumawa kayo ayon sa narito. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon para magmadali kayo tungo sa pagsampalataya rito at paggawa ayon sa nilaman nito?