Bagkus nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan kaya dumudurog ito niyon saka biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ay ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo. Al-Anbiyā’ 21:18 ⧉
Tafsīr:
Bagkus bumabato Kami ng katotohanan, na ikinakasi Namin sa Sugo Namin, sa kabulaanan ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya kaya nagpapabula ito roon kaya biglang ang kabulaanan nila ay umaalis na naglalaho. Ukol sa inyo, o mga tagapagsabi ng pagkakaroon Niya ng asawa at anak, ang kapahamakan dahil sa paglalarawan ninyo sa Kanya ng hindi naaangkop sa Kanya.