Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag. Al-Anbiyā’ 21:28 ⧉
Tafsīr:
Nakaaalam Siya sa nauuna sa mga gawain nila at sa kasunod sa mga ito. Hindi sila humihiling ng Pamamagitan malibang ayon sa pahintulot Niya para sa sinumang kinalugdan Niya ang pamamagitan para roon. Sila dahil sa pangamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay mga nangingilag, kaya hindi sila sumasalungat sa Kanya sa isang utos ni isang saway.