Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 30 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 30 sa 112 • Tagalog


أَوَلَمْ يَرَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ كَانَتَا رَتْقًا فَفَتَقْنَاهُمَا ۖ وَجَعَلْنَا مِنَ الْمَاءِ كُلَّ شَيْءٍ حَيٍّ ۖ أَفَلَا يُؤْمِنُونَ 30
Pagsasalin:
Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, saka nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sumasampalataya? Al-Anbiyā’ 21:30
Tafsīr:
Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na ang mga langit at ang lupa dati ay magkakadikit-dikit na walang puwang sa pagitan ng mga ito para bumaba mula rito ang ulan, saka nagpahiwalay Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig na bumababa mula sa langit patungo sa lupa ng bawat bagay na hayop at halaman. Kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang niyon at sumasampalataya kay Allāh lamang?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 29 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 31