Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 35 sa 112 • Tagalog


كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَنَبْلُوكُمْ بِالشَّرِّ وَالْخَيْرِ فِتْنَةً ۖ وَإِلَيْنَا تُرْجَعُونَ 35
Pagsasalin:
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo. Al-Anbiyā’ 21:35
Tafsīr:
Bawat kaluluwang mananampalataya o tagatangging sumampalataya ay lalasap ng kamatayan sa Mundo. Susubok Kami sa inyo, O mga tao, sa buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga pag-aatang ng tungkulin, mga biyaya, at mga kamalasan. Pagkatapos, matapos ng kamatayan ninyo ay tungo sa Amin – hindi tungo sa iba pa sa Amin – pababalikin kayo para gumanti Kami sa inyo sa mga gawa ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 34 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 36