Nilikha ang tao mula sa isang [kalikasan ng] pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali [ng mga ito] sa Akin. Al-Anbiyā’ 21:37 ⧉
Tafsīr:
Isinakalikasan ang tao sa pagmamadali kaya siya ay nagmamadali sa mga pangyayari bago ng pagkaganap ng mga ito. Kabilang doon ang pagmamadali ng mga tagapagtambal para sa pagdurusa. Magpapakita Ako sa inyo, O mga tagapagmadali sa pagdudulot Ko ng pagdurusa, ng minadali ninyo kaya huwag kayong humiling ng madaliin iyon.