Pagkatapos nanumbalik sila sa [katigasan ng] mga ulo nila, [na nagsasabi]: “Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas.” Al-Anbiyā’ 21:65 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos ay nanumbalik sila sa pagmamatigas at pagkakaila sapagkat nagsabi sila: "Talaga ngang nakatiyak ka, O Abraham, na ang mga anitong ito ay hindi nakabibigkas kaya papaano kang nag-uutos sa amin na magtanong kami sa mga ito?" Nagnais sila niyon bilang katwiran para sa kanila ngunit ito ay naging isang katwiran laban sa kanila.