Nagsabi sila: “Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa.” Al-Anbiyā’ 21:68 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong nawalang-kakayahan sila sa pagharap sa kanya sa pamamagitan ng katwiran, dumulog sila sa paggamit ng lakas sapagkat nagsabi sila: "Sunugin ninyo si Abraham sa apoy bilang pag-aadya pata sa mga anito ninyo na iginuho niya at binasag niya, kung kayo ay mga gagawa sa kanya ng isang parusang pampigil."