[Banggitin] sina Ismael, Enoc, at Dhulkifl. Lahat ay kabilang sa mga tagapagtiis. Al-Anbiyā’ 21:85 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, sina Ismael, Enoc, at Dhulkifl – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Bawat isa sa kanila ay kabilang sa mga tagapagtiis sa mga pagsubok at sa pagsasagawa ng iniatang sa kanila ni Allāh.