Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 87 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 87 sa 112 • Tagalog


وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَىٰ فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ 87
Pagsasalin:
[Banggitin]mo si Jonas] na may isda noong umalis siya habang may kinagagalitan saka nagpalagay siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: “Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” Al-Anbiyā’ 21:87
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ng Kasama ng Isda na si Jonas – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong umalis siya nang walang pahintulot mula sa Panginoon niya habang kinagagalitan ang mga kababayan niya dahil sa paggigiit nila sa pagsuway, saka nagpalagay siya na hindi Kami makagigipit sa kanya sa pamamagitan ng pagparusa sa kanya sa pag-alis niya. Kaya sinubok siya sa pamamagitan ng katindihan ng panggigipit at pagkulong nang nilunok siya ng isda. Kaya dumalangin siya sa loob ng mga kadiliman ng tiyan ng isda, dagat, at gabi habang umaamin ng pagkakasala niya habang nagbabalik-loob kay Allāh mula roon, sapagkat nagsabi siya: "Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Iyo. Nagpawalang-kaugnayan Ka sa kapintasan at nagpakabanal Ka! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 86 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 88