Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 91 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 91 sa 112 • Tagalog


وَالَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهَا مِنْ رُوحِنَا وَجَعَلْنَاهَا وَابْنَهَا آيَةً لِلْعَالَمِينَ 91
Pagsasalin:
[Banggitin]mo si Maria] ang [babaing] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya mula sa Espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang. Al-Anbiyā’ 21:91
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na nangalaga sa kalinisang-puri niya laban sa pangangalunya kaya nagsugo si Allāh sa kanya kay Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka umihip ito sa kanya kaya nagbuntis siya kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Si Maria at ang anak niyang si Jesus noon ay palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh, at na Siya ay hindi napawawalang-kakayahan ng anuman yayamang lumikha Siya kay Jesus nang walang ama.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 90 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 92