Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 97 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 97 sa 112 • Tagalog


وَاقْتَرَبَ الْوَعْدُ الْحَقُّ فَإِذَا هِيَ شَاخِصَةٌ أَبْصَارُ الَّذِينَ كَفَرُوا يَا وَيْلَنَا قَدْ كُنَّا فِي غَفْلَةٍ مِنْ هَٰذَا بَلْ كُنَّا ظَالِمِينَ 97
Pagsasalin:
at nalapit ang pangakong totoo ay biglang napatititig ang mga paningin ng mga tumangging sumampalataya, [na nagsasabi]: “O kapighatian sa amin! Kami nga noon ay nasa isang pagkalingat mula rito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan.” Al-Anbiyā’ 21:97
Tafsīr:
Nalapit ang [Araw ng] Pagbangon dahil sa paglabas nila at lumitaw ang mga hilakbot doon at ang mga matinding pangyayari roon kaya biglang ang mga paningin ng mga tagatangging sumampalataya ay nakabukas dahil sa tindi ng pangingilabot doon, na nagsasabi: "O kapahamakan namin! Kami nga noon sa Mundo ay nasa isang pagkalibang at pagkaabala para sa paghahanda para sa sukdulang araw na ito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 96 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 98