O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang pagyanig ng Huling Sandali ay isang bagay na sukdulan. Al-Ḥajj 22:1 ⧉
Tafsīr:
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa anumang ipinag-utos Niya sa inyo at ng pagpipigil sa anumang sinaway Niya sa inyo! Tunay na ang umaalinsabay sa Araw ng Pagbangon na pagyanig ng lupa at iba pa rito na mga hilakbot ay isang bagay na sukdulan na kinakailangan ang paghahanda para rito sa pamamagitan ng paggawa ng nagpapalugod kay Allāh.