[Sasabihin:] “Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay mo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.” Al-Ḥajj 22:10 ⧉
Tafsīr:
Sasabihin sa kanya: "Ang pagdurusang iyon na lalasapin mo ay dahilan sa nakamit mo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Si Allāh ay hindi nagpaparusa sa isa man kabilang sa nilikha Niya malibang dahil sa pagkakasala."