Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 15 sa 78 • Tagalog


مَنْ كَانَ يَظُنُّ أَنْ لَنْ يَنْصُرَهُ اللَّهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ فَلْيَمْدُدْ بِسَبَبٍ إِلَى السَّمَاءِ ثُمَّ لْيَقْطَعْ فَلْيَنْظُرْ هَلْ يُذْهِبَنَّ كَيْدُهُ مَا يَغِيظُ 15
Pagsasalin:
Ang sinumang nagpapalagay na hindi mag-aadya si Allāh [sa Propeta] sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot siya ng isang tali sa bubong. Pagkatapos putulin niya [ito] saka tumingin siya: mag-aalis nga kaya ang panlalansi niya ng anumang nagpapangitngit [sa kanya]? Al-Ḥajj 22:15
Tafsīr:
Ang sinumang nagpapalagay na si Allāh ay hindi mag-aadya sa Propeta Niya – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot ito ng isang lubid sa bubungan ng bahay niya. Pagkatapos magbigti siya gamit nito sa pamamagitan ng pag-angat ng sarili niya palayo sa lupa. Pagkatapos tumingin siya: mag-aalis nga kaya iyon ng anumang natatagpuan niya sa sarili na ngitngit? Si Allāh ay tagapag-adya ng Propeta Niya, niloob man ng nakikipagmatigasan o tinanggihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 14 Susunod Al-Ḥajj • Talata 16