Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla. Al-Ḥajj 22:23 ⧉
Tafsīr:
Ang pangkat ng pananampalataya, na mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ay papapasukin ni Allāh sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Magpapalamuti sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng paggagayak sa kanila ng mga pulseras na ginto at magpapalamuti Siya sa kanila sa pamamagitan ng paggagayak ng mga mutya. Mangyayaring ang kasuutan nila sa mga iyon ay ang sutla.