Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso. Al-Ḥajj 22:32 ⧉
Tafsīr:
Iyon ay ang ipinag-utos ni Allāh na paniniwala sa kaisahan Niya, pagpapakawagas sa Kanya, at pagwaksi sa mga diyus-diyusan at sa pagsabi ng kabulaanan. Ang sinumang dumadakila sa mga tanda ng relihiyon – kabilang sa mga ito ang alay at ang mga gawain sa ḥajj – tunay na ang paggalang sa mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso sa Panginoon ng mga ito.