Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 48 sa 78 • Tagalog


وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَمْلَيْتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ أَخَذْتُهَا وَإِلَيَّ الْمَصِيرُ 48
Pagsasalin:
Kaya may ilan nang pamayanan na nagpatagal Ako rito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan. Pagkatapos dumaklot Ako rito, at tungo sa Akin ang hantungan. Al-Ḥajj 22:48
Tafsīr:
Anong dami ng mga pamayanan na nagpalugit Ako sa mga ito sa [pagdulot ng] pagdurusa samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito. Hindi Ako nakipagmadalian sa mga ito [sa pagdulot ng pagdurusa] bilang pagpapain para sa mga ito. Pagkatapos dumaklot Ako sa mga ito sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa. Tungo sa Akin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon, kaya gaganti Ako sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila ng pagdurusang namamalagi.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 47 Susunod Al-Ḥajj • Talata 49