Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 54 sa 78 • Tagalog


وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ فَيُؤْمِنُوا بِهِ فَتُخْبِتَ لَهُ قُلُوبُهُمْ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَهَادِ الَّذِينَ آمَنُوا إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 54
Pagsasalin:
[Iyan ay] upang makaalam ang mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para sumampalataya sila rito para magmababang-loob rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid. Al-Ḥajj 22:54
Tafsīr:
[Iyan ay] upang makapagtiyak ang mga binigyan ni Allāh ng kaalaman na ang Qur'ān na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang katotohanan na ikinasi ni Allāh sa iyo, O Sugo, para madagdagan sila ng pananampalataya rito at magpasailalim rito ang mga puso nila at magpakumbaba. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay ng mga sumampalataya sa Kanya tungo sa daan ng katotohanan, na tuwid, na walang pagkabaluktot doon, bilang ganti sa kanila sa pagpapasailalim nila rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 53 Susunod Al-Ḥajj • Talata 55