Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 63 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 63 sa 78 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَتُصْبِحُ الْأَرْضُ مُخْضَرَّةً ۗ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ 63
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya ang lupa ay nagiging luntian? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid. Al-Ḥajj 22:63
Tafsīr:
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng ulan kaya ang lupa, matapos ng pagbaba ng ulan rito, ay nagiging luntian dahil sa pinatubo nito na halaman? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos sa mga lingkod Niya yayamang nagpababa Siya para sa kanila ng ulan at nagpatubo Siya para sa kanila sa lupa, Mapagbatid sa mga kapakanan nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 62 Susunod Al-Ḥajj • Talata 64