Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 65 sa 78 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي الْأَرْضِ وَالْفُلْكَ تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ وَيُمْسِكُ السَّمَاءَ أَنْ تَقَعَ عَلَى الْأَرْضِ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِالنَّاسِ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ 65
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pumipigil Siya sa langit na bumagsak ito sa lupa malibang ayon sa pahintulot Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain. Al-Ḥajj 22:65
Tafsīr:
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpasilbi para sa iyo at para sa mga tao ng anumang nasa lupa na mga hayop at mga bagay para sa mga kapakinabangan ninyo at mga pangangailangan ninyo, at nagpaamo para sa inyo ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya at pagpapasilbi Niya mula sa isang bayan patungo sa isang bayan pa. Pumipigil Siya sa langit upang hindi ito bumagsak sa lupa malibang may pahintulot Niya. Kaya kung sakaling nagpahintulot Siya sa langit na bumagsak sa lupa, talaga sanang bumagsak iyon. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain yayamang pinagsilbi Niya para sa kanila ang mga bagay na ito sa kabila ng taglay nilang paglabag sa katarungan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 64 Susunod Al-Ḥajj • Talata 66