Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 67 sa 78 • Tagalog


لِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا هُمْ نَاسِكُوهُ ۖ فَلَا يُنَازِعُنَّكَ فِي الْأَمْرِ ۚ وَادْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدًى مُسْتَقِيمٍ 67
Pagsasalin:
Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang panuntunan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag nga silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo; tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid. Al-Ḥajj 22:67
Tafsīr:
Para sa bawat mga alagad ng kapaniwalaan ay nagtalaga Kami ng isang batas kaya sila ay nagsasagawa ayon sa batas nila. Kaya huwag ngang makipagtunggali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal at ang mga alagad ng mga ibang relihiyon kaugnay sa batas mo sapagkat ikaw ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa kanila dahil sila ay mga alagad ng kabulaanan. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh; tunay na ikaw ay talagang nasa isang daang tuwid, na walang kabaluktutan doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 66 Susunod Al-Ḥajj • Talata 68