Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan. Al-Mu’minūn 23:101 ⧉
Tafsīr:
Kaya kapag umihip ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip na nagpapahayag ng pagbangon [ng mga patay], wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila na nagpapayabangan sila sa pamamagitan ng mga ito, dahil sa pagkaabala nila sa mga hilakbot ng Kabilang-buhay at hindi magtatanong ang isa't isa sa kanila dahil sa pagkaabala nila sa pumapatungkol sa kanila.