Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 14 sa 118 • Tagalog


ثُمَّ خَلَقْنَا النُّطْفَةَ عَلَقَةً فَخَلَقْنَا الْعَلَقَةَ مُضْغَةً فَخَلَقْنَا الْمُضْغَةَ عِظَامًا فَكَسَوْنَا الْعِظَامَ لَحْمًا ثُمَّ أَنْشَأْنَاهُ خَلْقًا آخَرَ ۚ فَتَبَارَكَ اللَّهُ أَحْسَنُ الْخَالِقِينَ 14
Pagsasalin:
Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng laman, saka lumikha Kami sa kimpal ng laman bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha. Al-Mu’minūn 23:14
Tafsīr:
Kaya lumikha Kami matapos ng patak na iyon na namamalagi sa sinapupunan bilang pulang malalinta. Pagkatapos lumikha Kami sa pulang malalintang iyon bilang gaya ng isang piraso ng lamang nginuya, saka lumikha Kami sa piraso ng laman na iyon bilang mga butong nanigas, saka nagpadamit Kami sa mga butong iyon ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha sa pamamagitan ng pag-ihip ng kaluluwa rito at pagpapalabas rito tungo sa buhay. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa paggawa sa mga tagalikha.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 13 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 15