Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 30 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 30 sa 118 • Tagalog


إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ وَإِنْ كُنَّا لَمُبْتَلِينَ 30
Pagsasalin:
Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda at tunay na Kami noon ay talagang sumusubok. Al-Mu’minūn 23:30
Tafsīr:
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagliligtas kay Noe at sa mga mananampalatayang kasama sa kanya at pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya ay talagang may mga katunayang hayag sa kakayahan Namin sa pag-aadya sa mga sugo Namin at sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa kanila. Tunay na Kami noon ay talagang sumusulit sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanya sa kanila upang mapaglinawan ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya, at ang tagatalima sa tagasuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 29 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 31