Kaya dumaklot sa kanila ang hiyaw ayon sa katotohanan kaya gumawa Kami sa kanila bilang yagit. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan. Al-Mu’minūn 23:41 ⧉
Tafsīr:
Kaya dumaklot sa kanila ang isang matinding tunog na nakapagpapahamak dahil sa pagiging karapat-dapat nila sa pagdurusa dahil sa kasutilan nila. Kaya ginawa sila ng mga pagkapahamak na tulad ng yagit ng baha. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.