Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 44 sa 118 • Tagalog


ثُمَّ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا تَتْرَىٰ ۖ كُلَّ مَا جَاءَ أُمَّةً رَسُولُهَا كَذَّبُوهُ ۚ فَأَتْبَعْنَا بَعْضَهُمْ بَعْضًا وَجَعَلْنَاهُمْ أَحَادِيثَ ۚ فَبُعْدًا لِقَوْمٍ لَا يُؤْمِنُونَ 44
Pagsasalin:
Pagkatapos nagsugo Kami ng mga sugo Namin nang sunud-sunod. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan ang sugo nito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa at gumawa Kami sa kanila bilang mga usap-usapan. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya. Al-Mu’minūn 23:44
Tafsīr:
Pagkatapos nagpadala Kami ng mga sugo Namin na mga nagkakasunuran: isang sugo kasunod ng isang sugo. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunang iyon ang sugo nitong ipinadala rito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa kalakip ng kapahamakan kaya walang natira sa kanila na kairalan maliban sa mga usapan ng mga tao tungkol sa kanila. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila mula sa ganang Panginoon nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 43 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 45