O hindi sila nakakilala sa Sugo nila kaya sila sa kanya ay mga tagapagkaila? Al-Mu’minūn 23:69 ⧉
Tafsīr:
O tunay na sila ay hindi nakakilala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na isinugo ni Allāh sa kanila, kaya sila ay mga tagapagkaila sa kanya? Talaga ngang nakakilala sila sa kanya at nakakilala sila sa katapatan niya at pagkamapagkakatiwalaan niya.