Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mu’minūn — Talata 91 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mu’minūn • Talata 91 sa 118 • Tagalog


مَا اتَّخَذَ اللَّهُ مِنْ وَلَدٍ وَمَا كَانَ مَعَهُ مِنْ إِلَٰهٍ ۚ إِذًا لَذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهٍ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ 91
Pagsasalin:
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang diyos. [Kung nagkagayon] samakatuwid talaga sanang nag-alis ang bawat diyos ng nilikha nito at talaga sanang nangibabaw ang ilan sa kanila higit sa iba. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila! Al-Mu’minūn 23:91
Tafsīr:
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak gaya ng inaakala ng mga tagatangging sumampalataya. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang sinasamba ayon sa karapatan. Kung sakaling ipinagpalagay na may kasama sa Kanya na isang sinasamba ayon sa karapatan, talaga sanang nag-alis ang bawat sinasamba ng bahagi nito mula sa mga nilikhang nilikha nito at talaga sanang nanaig ang ilan sa kanila higit sa iba saka magugulo ang sistema ng Sansinukob. Ang reyalidad ay na anuman mula [sa nabanggit na] iyon ay hindi nangyari. Kaya nagpatunay ito na ang sinasamba ayon sa karapatan ay nag-iisa. Siya ay si Allāh lamang. Nagpawalang-kaugnayan Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan ng mga tagapagtambal na hindi naaangkop sa Kanya na [pagkakaroon ng] anak at katambal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mu’minūn • Talata 90 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 92