Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila [sa Amin at sa iyo]. Al-Mu’minūn 23:96 ⧉
Tafsīr:
Itaboy mo, O Sugo, ang sinumang gumagawa ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng katangiang higit na maganda sa pamamagitan ng pagpapaumanhin mo sa kanya at pagtitiis mo sa pananakit niya. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila na pagtatambal at pagpapasinungaling at sa anumang inilalarawan nila sa iyo na hindi naaangkop sa iyo gaya ng panggagaway at pagkabaliw.