Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 32 sa 64 • Tagalog


وَأَنْكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنْكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِنْ يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 32
Pagsasalin:
Ipakasal ninyo ang mga walang-asawa kabilang sa inyo at ang mga maayos kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. An-Nūr 24:32
Tafsīr:
Ipakasal ninyo, O mga mananampalataya, ang mga lalaking walang mga maybahay at ang mga babaing malayang walang mga asawa. Ipakasal ninyo ang mga mananampalataya kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at kabilang sa mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niyang malawak. Si Allāh ay Malawak ang pagtutustos: hindi nababawasan ang panustos Niya sa pagbibigay-kasapatan sa isa, Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 31 Susunod An-Nūr • Talata 33