Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 43 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 43 sa 64 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُزْجِي سَحَابًا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيْنَهُ ثُمَّ يَجْعَلُهُ رُكَامًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَالِهِ وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ جِبَالٍ فِيهَا مِنْ بَرَدٍ فَيُصِيبُ بِهِ مَنْ يَشَاءُ وَيَصْرِفُهُ عَنْ مَنْ يَشَاءُ ۖ يَكَادُ سَنَا بَرْقِهِ يَذْهَبُ بِالْأَبْصَارِ 43
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapausad ng mga ulap, pagkatapos nagbubuklod Siya sa mga ito? Pagkatapos gumagawa Siya sa mga ito bilang bunton saka nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob nito. Nagbababa Siya mula sa langit ng mga bundok [ng mga ulap] na nasa mga ito ay may yelong ulan, saka nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya at naglilihis Siya nito palayo sa sinumang niloloob Niya. Halos ang kislap ng kidlat nito ay nag-aalis ng mga paningin. An-Nūr 24:43
Tafsīr:
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na si Allāh ay nag-aakay ng mga ulap, pagkatapos ay nagpapasanib Siya ng mga parte ng isang bahagi ng mga ito sa ibang bahagi? Pagkatapos ay gumagawa Siya sa mga ito na nagkabuntun-bunton, na pumapatong ang iba sa mga ito sa iba pa, saka nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa loob ng mga ulap. Nagbababa Siya mula sa dako ng langit mula sa mga ulap na nagkakapalan sa loob ng mga ito – na nakawawangis ng mga bundok sa laki ng mga ito – ng mga pirasong nagsayelong tubig gaya ng mga munting bato. Nagpapatama Siya ng yelong iyon sa sinumang niloloob Niya sa mga lingkod Niya at naglilihis Siya niyon palayo sa sinumang niloloob Niya sa kanila. Halos ang kinang ng kidlat ng mga ulap, dahil sa tindi ng kislap nito, ay nag-aalis ng mga paningin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 42 Susunod An-Nūr • Talata 44