Ang [pagsaksing ikalima ay na ang sumpa ni Allāh ay sumakanya kung siya ay naging kabilang sa mga sinungaling. An-Nūr 24:7 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos, sa ikalimang pagsaksi niya ay magdaragdag siya ng panalangin laban sa sarili niya sa pagiging karapat-dapat sa sumpa [ni Allāh] kung siya ay naging sinungaling sa ipinararatang niya roon.