Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 10 sa 77 • Tagalog


تَبَارَكَ الَّذِي إِنْ شَاءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِنْ ذَٰلِكَ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَيَجْعَلْ لَكَ قُصُورًا 10
Pagsasalin:
Napakamapagpala ang kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo. Al-Furqān 25:10
Tafsīr:
Napakamapagpala ni Allāh na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa sa iminungkahi nila sa iyo sa pamamagitan ng paggawa para sa iyo sa Mundo ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito, na kakain ka ng mga bunga ng mga ito, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyong titirahan mo habang pinagiginhawa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 9 Susunod Al-Furqān • Talata 11