Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 15 sa 77 • Tagalog


قُلْ أَذَٰلِكَ خَيْرٌ أَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۚ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاءً وَمَصِيرًا 15
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala?” Ito para sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan. Al-Furqān 25:15
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang nabanggit na iyon ba na pagdurusang inilarawan sa inyo ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na namamalagi ang kaginhawahan doon at hindi napuputol magpakailanman?" Ito ang ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, na ito para sa kanila ay maging isang gantimpala at isang balikang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 14 Susunod Al-Furqān • Talata 16