Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?” [Ang pagbababang] gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas. Al-Furqān 25:32 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Bakit kasi hindi pinababa sa Sugo ang Qur’ān na ito nang iisang ulit at hindi na sana pinababa sa kanya nang magkahiwa-hiwalay?" Nagbaba Kami ng Qur’ān nang gayon, magkahiwa-hiwalay, para sa pagpapatatag sa puso mo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagbaba nito nang isang ulit matapos ng isang ulit. Nagpababa Kami nito nang paunti-unti para sa pagpapadali sa pag-intindi nito at pagsasaulo nito.