Ang mga kakalapin [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas. Al-Furqān 25:34 ⧉
Tafsīr:
Ang mga aakayin sa Araw ng Pagbangon habang mga kinakaladkad [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar dahil ang lugar nila ay Impiyerno at higit na malayo sa daan sa katotohanan dahil ang daan nila ay ang daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.