Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya, at may tumulong sa kanya rito na mga ibang tao,” ngunit naghatid nga sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan. Al-Furqān 25:4 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad saka iniugnay niya ito kay Allāh bilang paninirang-puri. May tumulong sa kanya sa paglikha-likha nito na mga ibang tao." Ngunit gumawa-gawa ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng isang sinabing bulaan sapagkat ang Qur'ān ay Salita ni Allāh, na hindi maaaring makagawa ang tao ni ang jinn ng tulad nito.