Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 40 sa 77 • Tagalog


وَلَقَدْ أَتَوْا عَلَى الْقَرْيَةِ الَّتِي أُمْطِرَتْ مَطَرَ السَّوْءِ ۚ أَفَلَمْ يَكُونُوا يَرَوْنَهَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ نُشُورًا 40
Pagsasalin:
Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan [ni Propeta Lot] na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila noon ay hindi nag-aasam ng isang pagkabuhay. Al-Furqān 25:40
Tafsīr:
Talaga ngang pumunta ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa pagpunta nila sa Sirya – sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot, na pinaulanan ng mga bato bilang parusa para roon sa paggawa ng mahalay, upang magsaalang-alang sila. Kaya nabulagan ba sila sa pamayanang ito sapagkat hindi sila dati nakasasaksi niyon? Hindi; bagkus sila noon ay hindi umaasa sa isang pagbubuhay [na muli], na tutuusin sila matapos niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 39 Susunod Al-Furqān • Talata 41