Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 47 sa 77 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِبَاسًا وَالنَّوْمَ سُبَاتًا وَجَعَلَ النَّهَارَ نُشُورًا 47
Pagsasalin:
Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang damit at ng pagtulog bilang pamamahinga, at gumawa ng maghapon bilang pagkabuhay [para maghanap-buhay]. Al-Furqān 25:47
Tafsīr:
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi sa katayuan ng damit na nagtatakip sa inyo at nagtatakip sa mga bagay. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng pagtulog bilang pahinga, na namamahinga kayo sa pamamagitan niyon mula sa mga pinagkakaabalahan ninyo. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng maghapon bilang oras na lumilisan kayo rito patungo sa mga gawain ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 46 Susunod Al-Furqān • Talata 48