Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang mapagbabala. Al-Furqān 25:51 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang sugong magbababala sa kanila at magpapangamba sa kanila sa parusa Namin, subalit Kami ay hindi nagnais niyon. Nagpadala lamang Kami kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang sugo sa lahat ng mga tao.