Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagapagbigay-liwanag. Al-Furqān 25:61 ⧉
Tafsīr:
Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga kumpulan ng mga planeta at mga bituin, gumawa sa langit ng isang araw na nagsisinag ng liwanag, at gumawa roon ng isang buwang nagbibigay-liwanag sa lupa sa pamamagitan ng pinatatalbog nito mula sa tanglaw ng araw.