Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan. Al-Furqān 25:63 ⧉
Tafsīr:
Ang mga lingkod ng Napakamaawain na mga mananampalataya ay ang mga naglalakad sa lupa nang may paggalang bilang mga tagapagpakumbaba at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay hindi sila tumutumbas sa mga ito ng tulad [niyon], bagkus nagsasabi sila sa mga ito ng nakabubuti, na hindi nag-aasal-hangal kaugnay roon sa mga ito.