Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 68 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 68 sa 77 • Tagalog


وَالَّذِينَ لَا يَدْعُونَ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ وَلَا يَقْتُلُونَ النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَا يَزْنُونَ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ يَلْقَ أَثَامًا 68
Pagsasalin:
[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan: Al-Furqān 25:68
Tafsīr:
[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa iba pang sinasamba, hindi pumapatay ng taong nagbawal si Allāh ng pagpatay niyon malibang ayon sa pahintulot ni Allāh gaya ng pagpatay sa pumatay o murtadd o nakapag-asawang nangalunya, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa ng mga malaking kasalanan na ito ay makatatagpo siya sa Araw ng Pagbangon ng kaparusahan sa anumang nagawa niyang kasalanan:
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 67 Susunod Al-Furqān • Talata 69