Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 70 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 70 sa 77 • Tagalog


إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 70
Pagsasalin:
maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Furqān 25:70
Tafsīr:
Subalit ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos, na nagpapatunay sa katapatan ng pagbabalik-loob niya, ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng magandang gawa ang ginawa nilang mga gawang masagwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 69 Susunod Al-Furqān • Talata 71