Ang mga iyon ay gagantihan ng Silid dahil nagtiis sila at sasalubungin doon ng pagbati at kapayapaan Al-Furqān 25:75 ⧉
Tafsīr:
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gagantihan ng mga silid na mataas sa Firdaws na Pinakamataas ng Paraiso dahilan sa pagtitiis nila sa pagtalima kay Allāh at sasalubungin doon ng mga anghel ng pagbati at kapayapaan at maliligtas doon mula sa mga kasiraan