O [bakit kasi walang] ipinupukol sa kanya na isang kayamanan, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang hardin na kakain siya mula roon?” Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: “Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway.” Al-Furqān 25:8 ⧉
Tafsīr:
O [bakit kasi walang] pinabababa sa kanya na isang kayamanan mula sa langit, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang pataniman na kakain siya mula sa mga bunga niyon kaya magpapasapat ito para maglakad siya sa mga palengke at maghanap ng panustos?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod, O mga mananampalataya, sa isang sugo. Sumusunod lamang kayo sa isang lalaking napanaigan sa pag-iisip niya dahilan sa panggagaway."