[Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: “Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan, Ash-Shu‘arā’ 26:10 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nanawagan ang Panginoon mo kay Moises habang nag-uutos doon na pumunta sa mga taong tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pang-aalipin nila sa mga tao ni Moises.