Kaya nagpasinungaling sila sa kanya at dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan. Ash-Shu‘arā’ 26:189 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling sa kanya kaya may dumapo sa kanila na isang pagdurusang sukdulan yayamang may lumilim sa kanila na isang ulap matapos ng isang araw na matindi ang init, at nagpaulan ito sa kanila ng apoy saka sumunog sa kanila. Tunay na ang araw ng pagpapahamak sa kanila ay naging isang araw na sukdulan ang hilakbot.