Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo. Ash-Shu‘arā’ 26:21 ⧉
Tafsīr:
Kaya tumakas ako mula sa inyo matapos ng pagkapatay niyon papunta sa pamayanan ng Madyan noong nangamba ako na patayin ninyo ako dahil doon, ngunit nagbigay sa akin ang Panginoon ko ng kaalaman at gumawa Siya sa akin kabilang sa mga sugo Niya na isinusugo Niya sa mga tao.